Sabado, Pebrero 25, 2017

"Why I Hate Religion, But Love Jesus", Jefferson Bethke



What if I told you Jesus came to abolish religion
What if I told you voting republican really wasn't his mission
What if I told you republican doesn't automatically mean Christian
And just because you call some people blind doesn't
automatically give you vision

I mean if religion is so great, why has it started so many wars
Why does it build huge churches, but fails to feed the poor
Tells single moms God doesn't love them if they've ever had a divorce
But in the old testament God actually calls religious people whores

Religion might preach grace, but another thing they practice

Tend to ridicule God's people, they did it to John The Baptist
They can't fix their problems, and so they just mask it
Not realizing religions like spraying perfume on a casket
See the problem with religion, is it never gets to the core
It's just behavior modification, like a long list of chores
Like lets dress up the outside make look nice and neat
But it's funny that's what they use to do to mummies
while the corps rots underneath

Now I ain't judging, I'm just saying quit putting on a fake look
Cause there's a problem if people only know you're
a Christian by your Facebook
I mean in every other aspect of life, you know that logic's unworthy
It's like saying you play for the Lakers just because you bought a jersey
You see this was me too, but no one seemed to be on to me
Acting like a church kid, while addicted to pornography
See on Sunday I'd go to church, but Saturday getting faded
Acting if I was simply created just to have sex and get wasted

See I spent my whole life building this facade of neatness
But now that I know Jesus, I boast in my weakness

Because if grace is water, then the church should be an ocean
It's not a museum for good people, it's a hospital for the broken
Which means I don't have to hide my failure, I don't have to hide my sin
Because it doesn't depend on me it depends on him
See because when I was God's enemy and certainly not a fan
He looked down and said I want, that, man
Which is why Jesus hated religion, and for it he called them fools
Don't you see so much better than just following some rules
Now let me clarify, I love the church,
I love the bible, and yes I believe in sin
But if Jesus came to your church would they actually let him in
See remember he was called a glutton, and a drunkard by religious men
But the son of God never supports self righteousness not now, not then

Now back to the point, one thing is vital to mention

How Jesus and religion are on opposite spectrums
See one's the work of God, but one's a man made invention
See one is the cure, but the other's the infection
See because religion says do, Jesus says done
Religion says slave, Jesus says son
Religion puts you in bondage, while Jesus sets you free
Religion makes you blind, but Jesus makes you see
And that's why religion and Jesus are two different clans

Religion is man searching for God, Christianity is God searching for man
Which is why salvation is freely mine, and forgiveness is my own
Not based on my merits but Jesus's obedience alone
Because he took the crown of thorns, and the blood dripped down his face
He took what we all deserved, I guess that's why you call it grace
And while being murdered he yelled
"Father forgive them they know not what they do."
Because when he was dangling on that cross, he was thinking of you
And he absorbed all of your sin, and buried it in the tomb
Which is why I'm kneeling at the cross, saying come on there's room
So for religion, no I hate it, in fact I literally resent it
Because when Jesus said it is finished, I believe he meant it

SA PAGITAN KA NATAGPUAN by Maimai Cantillano


Parati kong naririnig ang dalawa sa mga uri ng pag-ibig
Tamang pag-ibig ngunit maling panahon
 Tamang panahon, ngunit maling pag-ibig
Hindi ko alam kung alin tayo sa dalawa
Kung tama pa ba o mali na
Nasaan ka na ba?
Hindi na ba talaga tayo magkakatagpo?
Dahil kung ito’y tagu-taguan,
Hindi ko alam kung sino sa atin ang taya
O kung sino sa atin ang nawawala
Napakaliwanag ng buwan
Ngunit hanggang ngayon hindi pa rin tayo magkakitaan
Hindi ko alam kung sino ba sa atin ang nagtatago
Dahil matagal nang tapos ang isa hanggang sampu
Matagal na rin akong umalis saking pinagtataguan
At ngayon, patuloy na naglalakad sa kawalan na dati ay kalawakan
Kalawakan na sabay nating pinagmamasdan
Sa ilalim ng nagniningning na mga bituin
Kasama ang mga alitaptap na sumusulyap sa pag-ibig natin
Ngunit sino bang nagtatago?
At sino ang naghahanap
Lumalalim na ang gabi pero wala ka pa rin sa aking tabi
Kaya’t sabi ko Hindi na ako pwedeng maglaro
Hahanapin kita kaya’t ako’y tumayo
Wala akong pakealam kung ako’y madapa
O kung ako ma’y mataya
Isinantabi ko ang takot ko sa dilim O sa kung anong nasa likod ng dilim
Dahil kailangan kitang bawiin sa tadhana
Hindi ko alam kung paano pero babawiin kita Hahanapin kita Kahit nasaan ka pa Hahanapin kita Hahanapin kita
At nakita na nga kita
Natagpuan kita sa pagitan ng gabi at umaga
Hindi alam kung magpapatuloy pa Kung nanakawin pa ang mga tala para sa akin
Dahil alam mong kahinaan ko ang mga bituin
Natagpuan kita sa pagitan ng laban at paalam
Nakikipagdigma sa tadhana Dahil ang sabi mo, iyon ang tama
Natagpuan kita sa pagitan ng ngayon at bukas Masaya ngunit lumuluha
Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko Kung ang ngiti mo ba o ang luha mo Natagpuan kita sa pagitan ng mahal kita at ng minahal kita
Ngunit nagdurugo ka na
Patawad Dahil kung minsan, mas nauuna pa ang dila kong pumutak
Kaysa mag-isip ang kulubot kong utak
Patawad dahil kung minsan Nauuna pa ang pagmulat ng aking mga mata
Kaysa sa pagtibok ng puso kong hinahapo na
Patawad dahil kung minsan Binabalewala ko ang mga tenga mong hindi napapagod sa Pakikinig sa bawat pantig na niluluwa ng aking bibig
Kahit minsan wala naman talagang kwenta Ang mga binibitawan kong salita
Patawad Kung isa ako sa dahilan ng pagsikip ng ‘yong mundo
Kung ang dating payak ay naging komplikado
Patawad Kung isa ako sa nagpunla ng takot sa loob mo
Na unti-unting lumaki at ngayon ay iyo nang inaani
Patawad Kung mas pinili kong magtago Para lang hanapin mo
Kahit na ang dapat mong hanapin ay ang sarili mo
Naging makasarili ako Kaya’t heto, nagkasalisi tayo
Sabay tayong naghanap At sabay rin tayong nagtago
Nakakapagod pala ang laro
Akala ko kasing simple lang ng pagbilang mula isa hanggang sampu
Pero hindi pala
Kaya’t patawad
Dahil hindi ko na kayang makita kang nagdurugo sa pagitan Ng gabi at umaga
Ng laban at paalam Ng ngayon at bukas
At ng mahal kita at minahal kita
Hindi ko na kayang makitang nasasaktan ka
Kaya’t mahal, Malaya ka na

"Mga Basang Unan" ni Juan Miguel Severo



Noong iwan mo ako nang walang pasabi at pangako ng pagbabalik umiyak ako buong gabi. Umiyak ako nang sobrang tindi, kinailangan kong ibilad sa araw ang unan ko kinabukasan. Ang sarap pala sa pakiramdam ng patulugin ka ng sarili mong pag-iyak. Naisip ko, hindi pinakuluang dahon ng bayabas o alak ang sagot sa ganitong klaseng sakit. Luha ang pinaka-mabisang panglanggas sa sugat ng puso.

Kaya inaraw-araw ko ito. Sinisimulan at tinatapos ko ang araw na ginagamot ang mga sugat na iniwan mo. Binabalikan ko lahat ng alaala at hinahanap kung saan silang lahat bumaon sa puso ko. Nakakatawa. Akala ko noon, kung dumating man ang panahon na ‘to, puro mga away at hindi natin pagkakasunduan ang mga sugat na iintindihin ko. Na sila ang mahirap gamutin. Na sila ang, kahit ilang balde na ng luha ang aking pigain mula sa mata ko, magdurugo pa rin.

Pero mas nagdurugo ako para sa mga tawa mo. Mas nagdurugo ako sa mga patawa mo. Mas nagdurugo ako sa mga yakap mo. Sa kung paanong ang balat ko ay parang nalalapnos kapag dahan-dahan mo akong hinahaplos at kung paanong ang hininga ko ay nahahapo at kinakapos kapag niyayapos kita. Nadurog ako noong gabing umalis ka, pero mas nagdurugo ako sa unang gabi na pinili mong manatili. Nadurog ako noong gabing sinabi mong ayaw mo na, pero mas nagdurugo ako sa gabing tinanong mo ako kung puwede pa ba. Nadurog ako noong gabing tinalikuran mo ako, pero mas nagdurugo ako na noong pagtalikod ko, nandoon ka pa. Nadurog ako noong sinabi mong hindi mo na ako mahal, at nagdurugo ako, at nagdurugo ako, at nadudurog at nadudurog at nagdurugo pa rin ako sa alaala na ikaw pa ang mas naunang magsabi ng “Mahal kita.”
Mahal. Kita.

Kung titignan ko nang maigi ang mga salitang sinulat ng lahat ng mga sugat na naiwan mo, yang dalawang yan ang mababasa ko. Mahal. Kita. At sa inaraw-araw ng pagbibilad-unan ko, nagmamahid na sila. Mahal. Kita. At sa dami ng luha na pinanglanggas ko rito, naglalangib na sila. Mahal. Kita. At sa tagal niyang kumikirot dito sa dibdib ko, medyo nakakasanay na. Mahal. Kita. At sa tagal ng panahon na ginugol ko sa gamutan, sigurado magsasara na sila. Magsasara at magiging pilat na paulit-ulit kong mababasa at ang parati lang sasabihin ay “Mahal kita.”


Mahal, kung magkita tayong muli at tanungin mo ako uli kung puwede pa ba, ang hihilingin ko lang sa’yo ay mga bagong unan. Dahil lahat ng akin ay ‘kala mo naulanan dahil lahat sila ay akin nang naiyakan ng mga kwento natin at nag-iwan ng marka sa kanila at ayaw ko na. Ayaw ko nang matulog sa unang basa at malunod sa pagtulog sa alaala na mahal kita. Mahal nga pala kita. Mahal pa rin pala kita. At sa wakas, hindi na kasing sakit ng dati, pero mahal, masakit pa.

"Sampung Bagay Na Natutunan Ko Sa Mga Umiibig" ni Juan Miguel Severo.



Una
Napakatamis ng mga simula. Ng mga umaga na ang bumubungad sa 'yo ay ang kanyang mukha. Nag-aalmusal ka ng kilig. At hanggan sa gabi ay baon mo siya sa paghimbing. Dito. Dito mo matutunan ang tunay na kapangyarihan ng isang ngiti. Ng ibang kamay na humahawi sa 'yong buhok. Ng mga matang sumisisid sa 'yong kaluluwa.

Pangalawa
Napakadaling makampante at masanay sa pagmamahal. Ang malunod sa kapangyarihan ng kami, ng tayo, ng ikaw at ako. Ang hindi pansinin ang pangangailangan ng kanya. Paano naman ang kanya lang? Paano naman ang ako? Napakadaling malunod sa akalang ang iyo ay mananatiling iyo...

Pangatlo
Mapapagod ka. Pero-

Pang-apat
Sandali, ang tunay na pag-ibig hindi dapat sumuko, 'di ba? Pero-

Panglima
Ang tunay na pag-ibig ay hindi parating sapat. Kapag ang mga pakpak na binigay nito sa 'yo ay bumigat at naging kadenang ni ayaw kang patayuin, kapag ang langit ng pusong minsa'y nilipad mo ay naging kulungang nasa 'yo naman ang susi at kandado pero ayaw mong lisanin...

Pang-anim
Ang pinakamanagsik mang apoy ay mamamatay. Maghanda ka sa sakit. Pero 'wag kang mag-aalaga ng galit, ito ang pangpito. Iiwanan kang puno ng sugat at pilat at paltos nito. Iiwanan kangumuusok sa poot sa kanya, sa mundo, sa sarili mo. Iiwanan ka nitong abo.

Pang-walo
Maghanda ka sa wakas

Pang-siyam
Alam ko, parang hindi ka pa handa sa wakas, wala naman yata talagang nagiging handa sa wakas pero nandiyan na si'ya. At sa wakas-

Pang-sampu
Mahalin mo pa siya. Sa tingin, sa tanaw, mula sa abo na iniwan ng inyong apoy, mahalin mo pa siya. Pero kung ang pakpak ng pag-ibig ay naging gapos na, kapagang dating langit sa puso mo ay binilanggo ka, mahalin mo siya sa huling pahkakataon - pagkatapos, bitaw na.

“Ang Huling Tula na Isusulat ko Para Sayo” ni Juan Miguel Severo.



Pangako ‘yan, at totoo.
Hindi ko alam kung magiging ga’no kahaba
kung kasya ba sa isang pyesa,
ilang pahina,
ilang minuto ang itatagal at ihahaba nito
kaya posibleng hindi ko agad makabisado.
Pero pangako ‘yan…
Ito na,  ang huling tula  na isusulat ko  para sa ‘yo.
Itaga mo ‘to sa bato
abutin man ako ng umaga dito
hindi ko ipipikit ang mga matang ito.
uubusin ko ang lahat ng salita na posibleng tugma ng pangalan mo
o ng anumang tawag ko sa’yo,
(mahal, sinta, irog, pangga, babe, beh, bae, asawa ko, mine? wifey, bae, kulet, kapal, k*pal, walangya, p*ki, p*king *na ka)
ano pa ba?
Wala akong pakialam kung abutin ako ng ilang talata dito,
pero hindi ko na pwedeng patirahin lang,
dito sa loob ko, ang mga salitang ito.
Kaya pangako…
Ito na,  ang huling tula  na isusulat ko  para sa ‘yo.
Magsisimula ako sa umpisa,
sa kung paanong nginitian mo ako
at tinanong kung saan ako nakatira
hindi mo nga pinansin,  ang mga agiw sa dingding.
Hindi ka nga natinag sa ipis na biglang dumating sa iyong pagbisita.
Pero hindi mo rin man lang din tinignan ang mga libro  na nasa tabi ng kama ko, natutulog din.
At tangi ko noong kapiling.
Magsisimula ako sa umpisa,
sa kung paanong niyakap mo ako noong sabihin ko sa’yong, “Mahal Kita…”
Sa kung paanong hinalikan mo ako sa noo sabay sabi ng:
“Mahalaga ka…”
At ako naman ‘tong si tanga,
tuwang-tuwa,
dahil hindi pa nalilinawan na ayaw ko  na maging mahalaga,
ayaw ko  na maging mahalaga…
Hindi ako antigong salamin na matagal mo nang pag-aari,
na tinitignan mo lang  para ipaalala sa sarili mo na maganda ka.
Ayaw ko  na maging mahalaga.
Hindi ako telepono mong dududukutin lang sa bulsa,
kapag kailangan mo ng solusyon sa kawalan mo ng koneksyon,
sa mundo mong masyado nang malawak para bigyang atensyon ka pa.
Ayaw ko na maging mahalaga.
Hindi ako kwintas na isusuot mo lang sa piling-piling mga okasyon,
kapag mayroong mga sitwasyon na pakiramdam mo ay kulang ka pa.
Hindi ako para ibalik sa loob ng isang kahon
kapag matutulog ka na sa gabi sa takot na masakal ka sa yakap ko kapag mahimbing ka na.
O ibalik sa loob ng kahon at itabi sa sulok ng isang aparador sa takot na manakaw ako ng iba.
Ayaw ko na maging mahalaga..
Ang gusto ko…
ay mahalin.
Ang kailangan ko…
ay mahalin.
Kailangan ko na mahalin mo ako gaya ng kape mo sa umaga,
tanggap ang tamis at pait,
kailangan para sa init pero hindi isinasantabi dahil lang nanlamig na.
Kailangan ko na mahalin mo ako gaya ng sarili mong opisina.
Kabisado kung para saan ang ano
kabisado kung nasaan nakatago ang alin.
Kabisado ang mga itinatago kong patalim, silbi, dumi, lihim..
patalim… silbi… dumi… lihim!
Kailangan ko na mahalin mo ako gaya ng unan mo sa gabi.
Niyayakap sa ginaw,
sinasandalan kahit na mainit,
binubulungan ng mga pinakatatago mong panaginip.
Ayaw ko na maging mahalaga…
Ang kailangan ko ay mahalin…
At nagsulat ako noon hanggang sa mahalin mo..
Kaya patawad  pero magsusulat ako hanggang sa maubos ko ang lahat ng salita,
na posibleng tugma ng pangalan mo.
Patawad. Pero magsusulat ako, para patawarin mo.
Dahil minsan may nakapagsabi sa akin na ang hindi raw marunong magpatawad, ay hindi makapagsusulat.
Kaya mahal sa pagkakataong ito, sa huling pagkakataon  na magsusulat ako ng tula para sa ‘yo,
gumawa tayo ng kasunduan…
Patatawarin kita, pero patatawarin mo rin ako.
Patawarin mo ako sa hindi ko pagtahan, at patatawarin kita, sa hindi mo pagluha.
Patawarin mo ako sa hindi ko pananahimik, at patatawarin kita, sa hindi mo pagsasalita.
Patawarin mo ako sa hindi ko pag-alis, at patatawarin kita, sa hindi mo pananatili.
Patawarin mo ako sa hindi ko sa ‘yo paglimot, at patatawarin kita, sa hindi mo sa akin pagpili, mahal.
Gumawa tayo ng kasunduan: Patatawarin kita, pero patatawarin mo rin ako.
Patawarin mo ako sa hindi ko pagbitiw at patatawarin kita, sa hindi mo pagkapit.
Patawarin mo ako sa hindi ko paglayo at patatawarin kita, sa hindi mo paglapit.
Patawarin mo ako sa hindi ko pagsuko, at patatawarin kita, sa hindi mo pagsugal.
At patawarin mo ako sa hindi ko pagkamuhi sa ‘yo, at patatawarin kita, sa hindi mo sa akin pagmamahal, mahal.
Gumawa tayo ng kasunduan: Patatawarin kita, pero patatawarin mo rin ako.
Para sa wakas ay matapos ko na itong tula, na masyado nang matagal nang nakatira dito.
At patawad… kung magiging masyadong mahaba, at maraming masyadong boladas.
Pero pangako: huli na ‘to… huli na ‘to… huli na ‘to…
Magsisimula ako uli sa umpisa,
sa kung paanong nginitian mo ako at tinanong kung saan ako nakatira…
Magsisimula ako uli sa umpisa, sa kung paanong nginitian mo ako…
Magsisimula ako uli sa umpisa…
Magsisimula ako uli…
Magsisimula ako…
Ito na  ang huling tula na isusulat ko  para sa ‘yo…
Mali!!!
Ito na  ang huling tula na isinulat ko  tungkol sa ‘yo…
T**g *na mo!
Tapos na ako…